Ang buhay ay parang sirang plaka, paikot-ikot lang

ACDG

Sa panahong ito, ang dapat na ginagawa ko ay ang basahin ang huling dalawang 'chapter' na sakop ng pagsusulit sa Pisika bukas. Ngunit hindi mapalagay ang aking isip. Ang laging laman nito ay ang alaala mo - ang kulay ng damit na suot mo, ang plate number ng kotse mo, ang ngiti mo, ang mga posibleng mangyari kung may pagkakataon akong baguhin ang lahat sa akin at sa atin. Sa bawat gabing ikaw ang panaginip, ang araw ko ay buo na. Sa bawat sulyap na ninanakaw, ang puso ko'y di magkamayaw sa kasisigaw. Sa haba ng proseso sa paghanap ng Power Series Solutions, ang nais ko lang ay hindi ang pag isipan kung may tama ba o may mali sa aking mga ginawang hakbang, ang nais ko lang ay ang isipin ka at ang mga nagdaan nating mga pag uusap kahit na ang lagi nating paksa ay mga bagay na kailangan gawin tulad ng mga requirements at prob sets. Pero alam mo ba, hindi ko maburabura ang mga texts mong: Kelan due ang prob set? :) dahil pilit kong pinipinta sa likod ng aking isipan ang ngiting nakalakip sa mensaheng ito. Ang simpleng ':)' na galing sa iyo ay sapat na para maging masaya sa buong linggo.

Alam ko na itong nadarama ko ay lilipas din. Alam kong darating yung araw na mabubura ko na rin ang mga texts mo. Alam kong darating ang panahon na hindi ka na hinahanaphanap ng mga mata ko. Pero hinding hindi ko malilimot na isa ka sa mga rason kung bakit ngayong buwan na ito: Marso, nagkaroon ako ng dahilan para ngumiti.

Araw ng mga Puso



Sa araw ng mga puso, nagantay ako. Inantay ko ang pagbalik ng loob mo. Kasabay ng pagsabog ng araw sa silangan, ang pagsabog ng pagibig na inaalay ko para sayo. Naguumapaw, nagagalak sa dalang bagong pag asa. Hindi napawi ang aking ngiti kahit na di mo pa rin ako binabati. Inisip kong, baka sa pag lubog ng araw ay mawari mong ako'y pasayahin sa pamamagitan ng mga salitang kahit simple ay ikinatutuwa na ng aking puso. Patuloy akong naglakad sa loob ng paaralan. Pinasukan ko lahat ang aking klase at nag iwan ng bakas ng kasiyahan. Dahil sa pagdaan ng oras, lalong bumilis ang tibok nitong damdamin. Nasasabik sa iyong pagbati. Nasasabik sa iyong matatalinhangang salita. Ngunit sumapit na ang gabi, wala pa rin akong natatanggap mula sa iyo, walang salita mula sa iyong labi. Hindi ko alam kung bakit sa panahong inialay ko ang aking puso, ay wala pa lang tatanggap nito. Wala na bang pag asa? Wala na bang mas malalim pang patutunguhan ang ating pagkakaibigan? Nasabi mo rin dati, na may babae ka nang napupusuhan. Hindi mo sinabi ang kanyang pangalan. Kaya naman patuloy pa rin akong umasa, na ako sana ang tinutukoy mo.

Sa araw ng mga puso, nagmahal, umasa at nabigo ang puso ko. May sasalo pa ba ng pag ibig na alay ko? Panahin mo naman kami Kupido.

Sa yo, K!!

Gumawa ako ng isa pang blog.

Isinulat ko dun ang pilit na sinasabi ng puso ko.

Hindi ko alam kung bunga ba to ng galit o purong pagmamahal lang.



Basta.




Sana, makita mo.

Sana, maintindihan mo.

Na para sa iyo ito.


Tama o Mali

Kasabay ng pagdaan ng panahon ang paglaho ng nadarama ko para sa iyo. Mahigit kumulang anim na buwan na rin kitang hindi nakikita at mayroon na ring isang buwan ang huling pagtingin ko sa profile mo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa naging desisyon ko. Tama nga bang inilihim ko ang pagtingin ko sa iyo? At kung sakaling nagtapat man ako, mayroon kayang papupuntahan ang lakas ng aking loob? Maaring may mabuong magandang karanasan at maaari ring mamatay ako sa hiya. 

Ilang segundo lamang pagkalipas ng pagsulat ko sa unang talata ng post na to, nakita ko ang pangalan mo sa FB. Nakaonline ka. Bakit dati, kung kailan ako patay na patay sa 'yo, madalang lang kitang makitang nakaonline, tapos ngayong wala na... haaaaayyy.. Nakakatuwa. Nakakainis. Pero ganito talaga ang buhay, ika nga weather weather lang yan. Kailangang maging matatag!

One Word, Four Letters

Paano ba kalimutan ang nakaraang nais mong balikan? Yung kahapong magkasama kayo at wala nang ibang iniisip pa kundi ang magandang bukas para sa isa’t isa. Ang HIRAP. Kung mayroon akong isang bagay na natutunan sa pag ibig, yun ay ang masarap ito ngunit pag dumating na sa puntong nagkakasakitan na kayo, unti unting namamatay yung ‘bagong taong ikaw’ na nabuo dahil sa napakalalim na pag iibigan.

Sa buhay ng tao, dumarating tayo sa punto na nakakahanap tayo ng ligaya sa ugnayang mayroon tayo sa iba. Yung ligaya na handa mong ipagpalit lahat lahat para lang mapanatili ito. Yung mga pangakong tila imposible pero para sa ‘yo, walang imposible pag magkasama at nagmamahalan kayo ng tapat at wagas. Yung tipong gusto mo lagi mo siyang nakikita, napagmamasdan yung bawat kilos niya at nalalanghap yung amoy ng pabango niya. Yung lagi mong hawak yung CP mo, nagpapalitan ng matatamis na salita. Pero hindi rin natin maiwasan yung tampuhan at iringan sa isang relasyon. Normal lang naman ang mga iyan and it just shows us the fact that we cannot hide from getting hurt while we are in love. Masakit man isipin, yung akala natin na ‘ITO na TALAGA’, ‘SIYA NA’, ay mapupunta lang pala sa isang masakit na hiwalayan. At wala ka ng magawa pa but to accept the fact that your moments together are OVER.

“Why does it need to end?” ito yung madalas natin tinatanong at pilit hinahanapan ng sagot. Siguro ganun lang talaga kung sobrang nahulog ka sa kanya, sobrang minahal at pinahalagahan siya. Yung taong iniiyakan natin ng paulit ulit, yung taong galit na galit tayo, yung pilit nating gustong kalimutan and at the same time, siya rin yung taong, ayaw man natin aminin sa sarili ay may parte pa rin sa puso natin na ginugustong bumalik siya.
Maraming nagpapakatanga sa pag ibig, pero hindi natin masisisi ang mga taong ito kasi hindi biro ang pagmamahal. Para itong alak, malalasing ka at minsan malulunod pa. Kaya mahirap din kung nasosobrahan, yung tipong na obsess ka na sakanya. Kasi mas mahirap harapin yung bukas na hindi mo na siya kasama, mas mahirap mag ‘move-on’. Haaaaaaaayyyy. Iba talaga ang pag ibig, it can make us happy but when we’re all left alone, it gives us this DAMN feeling. We could only wish for time to rewind pero dahil nga napakaimposibleng mangyari yung wish natin, we just find ourselves crying a river and worst is having plans of committing suicide. But all through the ups and downs we’d experienced from loving, we couldn’t blame love for the temporary happiness it gives. We couldn’t blame love for each heartache. We just got to hold on to it until we find the ‘RIGHT ONE’. I know that time would come and we just got to keep our hopes together. :)) We just need to be optimistic. We just need to look on the bright side of LIFE J

BREAK!!

five, four, three, two, one.. 

at sa wakas!! ang pinaka aantay kong BREAK :)) Ang luwag sa pakiramdam pero may pagkahalong kaba at lungkot din. Kaba dahil, hindi ko alam kung paano magiging itsura ng grado ko sa apat na GE, isang PE at isang MAJOR. hayyyyy!! Lungkot, dahil I will surely miss yung mga naging kaklase ko sa iba't ibang subjects ko ngayong 1st sem.

UNO.UNO.UNO.
DOS.DOS.DOS.
TRES.TRES.TRES.

yan lang dapat ang range ng mga grado ko. Ayaw ko sa SINGKO, dahil baka madrop ako. Gusto ko sana lahat ay UNO, pero mukhang malabo. ops, napapa flip top na ako. haha. At dahil tapos na ang mga exams para sa 1st sem, oras na para MAGSAYA!! :D

Things I need to do over the sembreak: (in no particular order)

1. FB (eto na yung bagay na laging parte ng buhay ko, araw-araw) :D
2. Sleepover
3. Kumain ng isaw WOW
4. Manuod ng Korean movies
5. Maglaro ng kahit anong PC game
6. Maglakwatsa kasama ang HS friends
7. Magtext
8. Magstalk online (LOL <3)
9. Matulog ng 8 hrs a day
10. Magpuyat
11. Manood ng imortal (I'm a vampire enthusiast :))
12. Family Bonding :)) <3

Marami pa sigurado akong maidadagdag dito, yung iba sikreto ko na :DD

okayy. Bye muna sa pagbloblog. 
I need to complete my to do list :))

CHAO!



Ang Buhay ng Isang OL Stalker

Hindi pa nakalipas ang isang araw, pero andito nanaman ako, nakaharap sa laptop at gumagawa ng bagong post. Tama, sinumpong nanaman ako sa katamaran, katamarang magreview. :D

Bago ang lahat, may gusto lang ako tanungin sa inyo: "Naranasan niyo na bang maging stalker?" well, kung ako tatanungin niyo, oo, malamang, kaya ko nga ginawa itong post na to, di baaaaaa?? :)) haha. okay, tama na sa pagkapilosopo.


Paano nga ba ang takbo ng buhay ng isang stalker? specifically, an 'online' stalker. In my case, ganito siya: Gising sa umaga, pag may time pa para mag net, kukunin ang laptop, idodouble click ang google chrome (yes, I agree, fastest browser ang GC :D) then itytype ang facebook sa google. Tapos log-in, then type ng name 'NIYA'.


Tama, ganito na ang nakasanayan kong gawin kung hindi everyday e every other day. :D I also consider 'stalking' as a stress reliever. Yep, sa dami ng ginagawa ngayon sa college plus yung pressure na nafefeel mo sa pag aaral, I consider this as a great stress reliever. We all have our own ways to de-stress, some people jog and exercise, others turn to drugs and alcohols but for an 'online stalker' like me, nawawala lahat ng pressures sa life pag picture na niya yung nakatapat sa yo :))

Sabihin niyo ng korni pero we have to admit na lahat o di naman kaya halos lahat ng tao pag naiin love ay nagiging korni ng wala sa oras :) Well, kahit na paulit ulit pa akong tumambay sa FB niya, hindi naman niya malalaman yun. Kasi nga 'joke' lang ang mga apps sa FB na magbibigay ng mga names kung sino man ang tumitingin sa prof mo. haha. At dahil dun, patuloy lang pagiging OL stalker ko. And I'm not sure for how long will I continue being one. Perhaps, only 'He' knows the answer. Oh well. This is enough for now, magrereview na talaga ako.

Chao!