Ang buhay ay parang sirang plaka, paikot-ikot lang

Araw ng mga Puso



Sa araw ng mga puso, nagantay ako. Inantay ko ang pagbalik ng loob mo. Kasabay ng pagsabog ng araw sa silangan, ang pagsabog ng pagibig na inaalay ko para sayo. Naguumapaw, nagagalak sa dalang bagong pag asa. Hindi napawi ang aking ngiti kahit na di mo pa rin ako binabati. Inisip kong, baka sa pag lubog ng araw ay mawari mong ako'y pasayahin sa pamamagitan ng mga salitang kahit simple ay ikinatutuwa na ng aking puso. Patuloy akong naglakad sa loob ng paaralan. Pinasukan ko lahat ang aking klase at nag iwan ng bakas ng kasiyahan. Dahil sa pagdaan ng oras, lalong bumilis ang tibok nitong damdamin. Nasasabik sa iyong pagbati. Nasasabik sa iyong matatalinhangang salita. Ngunit sumapit na ang gabi, wala pa rin akong natatanggap mula sa iyo, walang salita mula sa iyong labi. Hindi ko alam kung bakit sa panahong inialay ko ang aking puso, ay wala pa lang tatanggap nito. Wala na bang pag asa? Wala na bang mas malalim pang patutunguhan ang ating pagkakaibigan? Nasabi mo rin dati, na may babae ka nang napupusuhan. Hindi mo sinabi ang kanyang pangalan. Kaya naman patuloy pa rin akong umasa, na ako sana ang tinutukoy mo.

Sa araw ng mga puso, nagmahal, umasa at nabigo ang puso ko. May sasalo pa ba ng pag ibig na alay ko? Panahin mo naman kami Kupido.